Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan
Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan
Book Excerpt
kaisahang kuluñgin siya doon at patain ñg
gutum. Ñg papaderan na ang pinto'y ang ina ang unang nag hakot ñg
bato. Ang mga ugaling ito'y karaniwan sa kanila, kayá ñga't iginalang
ng buong Grecia ang babaing Esparta. Sa lahat ñg babai, ang pulá ñg
isa ay kayo lamang na taga Esparta ang nakapangyayari sa lalaki.
Mangyari pa, ang sagot ñg babai, ay kami lamang ang nagaanak ñg
lalaki. Ang tao, ñg mga Esparta ay hindí inianak para mabuhay sa
sarili, kungdi para sa kanyang bayan. Habang nanatili ang ganitong mga
isipan at ganitong mga babai ay walang kaaway na nakatungtong ñg
lupang Esparta, at walang babaing taga Esparta na nakatanaw ñg hukbo
ng kaaway.
Dí ko inaasahang paniwalaan ako alang-alang lamang sa aking sabi: maraming taong dí natingin sa katuiran at tunay, kundí sa habito, sa putí ñg buhok ó kakulangan kayá ng ngipin. Ñguní at kung ang tanda'y magalang sa pinagdaanang hirap, ang pinagdaan kong buhay hain sa ikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay ñg tandá sa akin, kahit maiklí man. Malayó ako sa, pagpa
FREE EBOOKS AND DEALS
(view all)Popular books in Essays, Correspondence, Fiction and Literature, History
Readers reviews
3.8
LoginSign up
nice!
- Upvote (0)
- Downvote (0)
great!
01/25/2008
good
09/10/2007
Transcription of Rizal's famous Letter to the Young Women of Malolos which he wrote while in London in February 1889 in Tagalog. He penned it upon the request of M. H. del Pilar to praise the young ladies of Malolos for their courage to establish a school where they could learn Spanish, despite the opposition of Fr. Felipe Garcia, Spanish parish priest of Malolos.
11/21/2005