ang florante at laura ay isang napakagandang awit na dapat sana ay maintindihan ng lahat ng bawat Pilipino. Ito ay pagpapatunay na noong ika 17 siglo ay mayroon na tayong talento na makapaglahad ng isang napakagandang istorya na sumasalamin sa ating mga mithiin noong mga panahon na iyon. Si dr. Rizal sa kanyang labis na paghanga ay dala-dala niya ito sa Europa para ipagmalaki. Nakakalungkot lang isipin na sa ngayon ay iilan na lamang ang may kahusayang makapagpaliwanag ng tunay na nilalaman ng mga ito. Ang tauhan o pangyayayari ay ang pinakamadaling aspeto nito, ang maunawaan ang malalim na kahulugan ng mga salitang ginamit rito ang pinakatunay na aral nito. Ang mga tayutay, malalim na salita, mga pahiwatig ay lubhang napakahirap sa nakakarami na unawaain lalo na sa mga mag-aaral. Mahirap basahin ang Florante at Laura kung ang isang simpleng tagalog na salita ay di agad mawatasan. Ito ay maihahalintulad sa isang tao na gustong tumakbo ng marathon pero kada isang metro ay nadadapa at kailangan magpatingin sa doktor. Ang kahinaan ng mga mag-aaral sa salitang tagalog ay larawan na rin ng unti-unting pagkamatay ng ilan nating mga salita na kung tutuusin ay hindi natin namamalayan. kung buod at tauhan lang ang kailangan niyo bilang mag-aaral, bumili kayo ng komiks. pero kung nais niyong namnamin ang ganda at sarap ng Florante at Laura, pag ibayuhin niyo ang pag-aaral ng wikang pambansa. madali lang naman, one word a day, will make you a genius someday. ;-)
Recent comments: User reviews